Lahat tayo ay may pangarap na makapag tapos sa pag-aaral.

Habang ako ay nag-aaral nilalakad ko ang mahigit isang oras para lamang mkapasok sa paaralan.
Minsan pumapasok na ako sa paaralan na nagbubuhat pa ako ng isang kaing na saging para maibenta ng aking ina o di kaya ay isang sakong uling. Mahirap mag-aral habang nagtatrabaho sa bukid upang makatulong sa mga magulang. Minsan ay pumapasok ako na walang baon para lang mag-aral. Palagi akong kinakapos sa aking panggastos sa paaralan.
Upang ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral ay maisakatuparan. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na kahit nahihirapan sila ay hindi pa rin nagsasawa sa pagsuporta sa aking pag-aaral.
At ngayon ay patuloy pa rin ako na nagsusumikap upang ang diploma ay aking hawak-hawak na tanda ng pagtatapos sa kolehiyo.
No comments:
Post a Comment