Thursday, September 25, 2014

my experience in using blogger



   
 "If you are new to one thing just explore yourself  and start discover everything"























When I start doing my blogger in the first step I find difficult but when I continue exploring myself  I really enjoy for it . Sometimes I ask  my classmate on how to do it because in the first place I've been new for it and I describe it as a stranger. Until I finish all my blogs I'm so lucky because I learn a lot of things and it was also improve my skills and knowledge in using technology.

What makes my day complete?

Sometimes  life becomes too complicated and all you need to do is just let it flow because God still controls  everything.

If you want a fulfilling life you really should not make sleeping top priority. I want to make my life  complete and use up not only every minute but every second of it for being productive and to make it even better.There is always room to grow and GOD gave us these lives to do just that. Show him how thankful you are for your life, not only today but everyday you are here because life is a blessing  and we all need to be very thankful. 


 My day becomes complete when I wake to praise and thank God that i have the another life that He gave to me. I'm thankful to all my family, friends and classmate that they are always their  just to make my day complete.I believe that our heart is not made for keeping tensions, pressures  and anger because it can makes our day to be ruined. Our heart is a place of peace , love and joy that we can share to others  that makes our day complete.Just always show you smile that makes someone his/her day complete.

I know I just have to smile and be grateful that no matter whoever hinders my happiness , GOD has a special way of telling me that  sometimes,I have to give myself a break and do whatever makes me happy.:)


Sunday, September 14, 2014

About My Blog

Ang pamagat na aking ginawa sa aking blog ay
SA KABILA NG AKING PERSONALIDAD.


Alam niyo ba kung bakit ito ang aking ginawang pamagat ? Sa kadahilanan ng aking mga karanasan sa buhay naging inspirasyon ko ito upang makagawa ako ng aking blog. Dahil dito ay naibahagi ko ang aking mga karanasan sa buhay at lalong makilala ang tunay kung pagkatao kung ano at sino ba talaga ako. 


Pinasasalamatan ko ng malaki ang blog na ito maliban sa aking mga kaibigan at pamilya  dahil dito ay  naging maaliwalas ang aking isipan upang isabuhay ko at gawing inspirasyon ang aking mga karanasan at pagsubok sa aking buhay.Sa blog na ito ay lalong napapagaan ang aking kalooban dahil nabawasan ang dinadala kung alaala sa nakaraan at ito ang naghihimok na patuloy kung haharapin ang anumang pagsubok na darating.

Buhay Estudyante

Lahat tayo ay may pangarap na makapag tapos sa pag-aaral.

Ang pag-aaral ay bahagi  ng ating buhay. Alam natin na ang taong masipag mag-aral ay may magandang kinabukasan. Ngunit ang pag-aaral ay hindi biro lalo na kung walang kinikita ng malaki ang ating mga magulang at kung walang permanenting trabaho na umaasa lang sa mga produkto na inaani  sa bukid .

Habang ako ay nag-aaral nilalakad ko ang mahigit isang oras para lamang mkapasok sa paaralan.
Minsan pumapasok  na ako sa paaralan na nagbubuhat  pa ako ng isang kaing na saging para maibenta ng aking ina o di kaya ay isang sakong uling.  Mahirap mag-aral habang nagtatrabaho sa bukid upang makatulong sa mga magulang. Minsan ay pumapasok ako na walang baon para lang mag-aral. Palagi akong  kinakapos sa aking panggastos sa paaralan.

Upang ang pangarap  ko na makapagtapos ng pag-aaral ay maisakatuparan. Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na kahit nahihirapan sila ay hindi pa rin nagsasawa sa pagsuporta sa aking pag-aaral.
At ngayon ay patuloy pa rin ako na nagsusumikap upang ang diploma ay aking hawak-hawak na tanda ng pagtatapos sa kolehiyo.






Sunday, August 31, 2014

ANG TINATAHAK KONG LANDAS

"Ang tinatahak kung landas"

"Ang hininga ay hudyat ng ating buhay at ito ang pinasasalamatan ko sa Poong Maykapal"


Sa tahimik na lugar sa Caromangay,Hamtic, Antique isinilang ang isang sanggol sa ganap na alasdos ng  umaga noong Abril 18,1993 abot langit ang tuwa at galak ng  mag-asawang  sina Letecia at Rodrigo Alejandro.Nagpasalamat sila sa  Poong Maykapal  na binigyan ulit sila ng  ika-walong anghel.


Lumaki ang kanilang  anak  sa buhay mahirap, siya'y maliksi at nakakatuwa palagi siya ang  nakakaalis ng lay-lay na balikat ng kanyang mga magulang.Sapagkat siya'y madaldal at malambing na bata lumipas ang mga taon  at naging katuwang na siya ng kanyang mga magulang at kapatid sa gawaing bahay at bukid.Habang siya ay nag-aaral sa mababang paaralan ng elementarya  sa Atiotes Tobias Fornier,Antique at sinasabay niya ang pagtutulong sa mga magulang pagkatapos ang isang oras na paglalakad galing sa paaralan.



Tinatahak niya ang maputik na daan kapag umuulan para lamang makapag-aral at siyam na taon pa lamang siya  ay nagbubuhat na siya ng isang sakong uling. Nagbabayo din siya ng palay na kanilang inaani  mula sa kanilang palayan upang gawing bigas.Tumutulong din siya sa paggawa ng uling at panggagapas ng mga damu sa kanilang lupain para ito ay mapagtamnan  ng mga mais at mani.


 Haggang siya ay nakatungtong sa sekondarya  ng General Leandro Fullon National School

(GLFNS).Siya pa rin ay patuloy na tinatahak  ang trabahong bukid at kahit trabahong panglalaki ay kaya niyang gawin. Hindi alintana  ang sikat ng araw na parang napapaso ang kanyang balat  sa init nito,ngunit masyado yatang may dugong kastila ang batang ito dahil nananatili ang kaputian nito at ang kakinisan ng balat na napagkamalan ng karamihan na siya ay may kaya sa buhay.


Sa buhay niyang tinatahak ay masyadong mahirap ang  naranasan nila na hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw at nagtitis na lamang sa halamang-ugat at nilagang saging. Naranasan din nila na natutulog na naka-upo sa tabi dahil wasak-wasak ang bubong ng kanilang bahay na yari sa kugon . Minsan sa kanyang pagmuni-muni ay naiiyak siya at tinatanong ang sarili  kung bakit ganito ang kanilang buhay hindi lang ang hirap sa buhay kundi pati na rin sa kanyang ama na palaging naglalasing at palagi silang sinasaktan.  Ang kanyang ina ay hindi napapahuli sa kalupitan ng kanilang ama.



Hanggang sa nakapag-aral siya ngayon sa kolehiyo sa Miagao ILoilo ito ay ang Southern Iloilo Polytechnic College( SIPC). Sa kanyang pag-aaral dito ay patuloy pa rin siya sa trabahong bukid upang makatulong sa kanyang mga magulang .Sila ay labindalawang magkakapatid na at ganun pa rin ang estado ng kanilang buhay nagbubuhos ng pawis para  sa pangarap na makaraos sa buhay siya ay si Marites Alejandro na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Subalit patuloy pa rin siyang lumalaban sa sitwasyon ng kanyang buhay na dala-dala ang mga mabigat na karanasan at problema na pilit niyang nilalabanan kasabay ng kanyang paghinga sa bawat segundo ng kanyang buhay.