"Ang tinatahak kung landas"
"Ang hininga ay hudyat ng ating buhay at ito ang pinasasalamatan ko sa Poong Maykapal"
Sa tahimik na lugar sa Caromangay,Hamtic, Antique isinilang ang isang sanggol sa ganap na alasdos ng umaga noong Abril 18,1993 abot langit ang tuwa at galak ng mag-asawang sina Letecia at Rodrigo Alejandro.Nagpasalamat sila sa Poong Maykapal na binigyan ulit sila ng ika-walong anghel.
Lumaki ang kanilang anak sa buhay mahirap, siya'y maliksi at nakakatuwa palagi siya ang nakakaalis ng lay-lay na balikat ng kanyang mga magulang.Sapagkat siya'y madaldal at malambing na bata lumipas ang mga taon at naging katuwang na siya ng kanyang mga magulang at kapatid sa gawaing bahay at bukid.Habang siya ay nag-aaral sa mababang paaralan ng elementarya sa Atiotes Tobias Fornier,Antique at sinasabay niya ang pagtutulong sa mga magulang pagkatapos ang isang oras na paglalakad galing sa paaralan.
Tinatahak niya ang maputik na daan kapag umuulan para lamang makapag-aral at siyam na taon pa lamang siya ay nagbubuhat na siya ng isang sakong uling. Nagbabayo din siya ng palay na kanilang inaani mula sa kanilang palayan upang gawing bigas.Tumutulong din siya sa paggawa ng uling at panggagapas ng mga damu sa kanilang lupain para ito ay mapagtamnan ng mga mais at mani.
Haggang siya ay nakatungtong sa sekondarya ng General Leandro Fullon National School
(GLFNS).Siya pa rin ay patuloy na tinatahak ang trabahong bukid at kahit trabahong panglalaki ay kaya niyang gawin. Hindi alintana ang sikat ng araw na parang napapaso ang kanyang balat sa init nito,ngunit masyado yatang may dugong kastila ang batang ito dahil nananatili ang kaputian nito at ang kakinisan ng balat na napagkamalan ng karamihan na siya ay may kaya sa buhay.
Sa buhay niyang tinatahak ay masyadong mahirap ang naranasan nila na hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw at nagtitis na lamang sa halamang-ugat at nilagang saging. Naranasan din nila na natutulog na naka-upo sa tabi dahil wasak-wasak ang bubong ng kanilang bahay na yari sa kugon . Minsan sa kanyang pagmuni-muni ay naiiyak siya at tinatanong ang sarili kung bakit ganito ang kanilang buhay hindi lang ang hirap sa buhay kundi pati na rin sa kanyang ama na palaging naglalasing at palagi silang sinasaktan. Ang kanyang ina ay hindi napapahuli sa kalupitan ng kanilang ama.
Hanggang sa nakapag-aral siya ngayon sa kolehiyo sa Miagao ILoilo ito ay ang Southern Iloilo Polytechnic College( SIPC). Sa kanyang pag-aaral dito ay patuloy pa rin siya sa trabahong bukid upang makatulong sa kanyang mga magulang .Sila ay labindalawang magkakapatid na at ganun pa rin ang estado ng kanilang buhay nagbubuhos ng pawis para sa pangarap na makaraos sa buhay siya ay si Marites Alejandro na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Subalit patuloy pa rin siyang lumalaban sa sitwasyon ng kanyang buhay na dala-dala ang mga mabigat na karanasan at problema na pilit niyang nilalabanan kasabay ng kanyang paghinga sa bawat segundo ng kanyang buhay.